Mag Program tayo mga Kuya't Ate
alam niyo naisipan kong gumawa ng blog tungkol sa aking pag aaral ng C++ language para sa programming at sa ganoong paraan ay maibabahagi ko ang aking mga natutunan. kaya kung iniisip niyong ako'y marunong mag program ay nag kakamali kayo, hahaha, tama!, hindi pa ako marunong mag program at kasabay niyo ako sa pag-aaral ng C++ sa blog na ito, kaya simulan na natin mga Kuya't Ate.
Kasabay ng Programming ay ang mga ka akibat nating mga software para tulungan tayong gumawa ng mga program. Ang mga halimbawa sa mga software na ito ay Allegro,SDL,Java,Python,Code::Blocks,Scratch,MS visual express 2010, ilan lang ito sa mga software para sa Programming. Ang Iba sa mga ito ay wala pang game engine, nga pala!!, Ang Game Engine ay isang program rin or isang Software para i-interpret ang ating mga program. kaya kung halimbawa gagawa tayo ng isang laro kailangan natin ng isang IDE at isang game engine . IDE ( Integraded Development Environment) ang tawag sa softwares natin, mayroon ang IDE ng isang : Debugger , Source Code Editor , at build automation. Basta mga kababayan !! hehe , mapapag-aralan pa natin yan maya maya lang.